bc

Undeniable Feeling Of Love 2 [ My First Romance]

book_age16+
65
FOLLOW
1K
READ
billionaire
one-night stand
second chance
arrogant
billionairess
blue collar
bxg
kicking
campus
war
like
intro-logo
Blurb

Prologue

"PLEASE WHOEVER YOU ARE, KALIMUTAN NATIN ANG NANGYARE KUNG KILALA MO AKO JUST PRETEND NOTHING HAPPENED. ANYWAY, THANKS FOR THE TIME!"

 Nagsimula ang lahat sa wedding day ni Rhein at hindi niya maalala kung sinong kasama niya nang gabing iyon matapos ang event nagising siyang nakasuot ng damit ng lalaki! Paano at bakit hindi niya maalala kung bakit siya nakarating sa lugar na iyon..

NBSB o No Boyfriend Since Birth si Gena dahil na rin sa Military Official ang kanyang ama kaya nasanay siyang disiplinado sa lahat ng bagay. Marami naman nagkakagusto sa kanya ngunit tila hindi tumibok ang kanyang puso kahit na kanino. Sa edad na 26 ay natatakot pa rin siyang masangkot sa eskandalo kaya naman minabuti na rin niyang lumipat ng trabaho kung saan naroroon ang kanyang pamilya. Bilang anak ng isang kilalang personalidad ay minabuti niyang maging isang military upang makapaglingkod sa bayan sa kabila ng pagtutol ng kanyang pamilya.  Hindi naman mawala sa isip ni Dean ang nangyari sa kanila ni Gena. Talaga bang wala itong maalala noong gabing iyon o sadyang patay malisya lamang ito? Bakit nagagawa niyang balewalain ang gabing iyon. Hindi niya matanggap na part lang siya ng one-night-stand ng dalaga. Pipilitin na lamang ba niya itong kalimutan ano ang gagawin niya gayon nalaman niyang siya palamang ang nag iisang lalaking nakakuha sa p********e nito. Lalo na para silang aso't pusa tuwing magkikita ng dalaga.

chap-preview
Free preview
Episode 1. Helping my mortal enemy
Pauwi na si Dean galing event hall kung saan ginanap ang wedding ng kanyang pinsan na si Rhein medyo tipsy na siya sa mga oras na iyon pero pinili niyang mag-drive mag isa kaya pa naman niya kaya hindi na siya tumawag pa ng driver para magpahatid pa. Pababa na siya ng gusaling iyon patungo ng parking area kung saan nakapark ang kanyang sasakyan. Habang naglalakad ay napansin niya si Gena mag isa at tila hindi alam kung saan pupunta sa palagay niya ay hinahanap nito kung saan nakapark ang sasakyan nito. Agad niya itong nilapitan para tanungin at habang papalapit siya dito ay napansin niyang napakaganda nito sa suot at kitang kita ang kurba ng katawan sa bridesmaid dress na suot nito. Nang makalapit ay tinanong niya kung anong ginagawa nito dito at bakit nag iisa. "Gena mag isa ka lang ba anong ginagawa mo dito?" "I hired a driver to drive my car.." sumusuray ito habang nagsasalita. Bakit ba napaka cute nito sa itsura nito kahit lasing. Kinuha ng dalaga ang cellphone at akamang may tatawagan. Ngunit tinutulan niya ang dalaga nagpasya na lamang sitang ihatid ito wala naman siyang ibang gagawin pag uwi sa bahay. "ihahid na kita mukhang marami kang nainom." "No thanks, I'm okay you can go!" "Are you sure?" Patalikod na sana siya dahil tila ayaw nga nitong makialam pa siya ng biglang may kumalabog sa likuran niya! "Ughhh—!" si Gena nakahandusay na sa floor tila nakatulog na ito sa kalasingan. "Gaano ba karaming nainom ng babaeng ito..?" "Gena tumayo ka riyan.." bulong niya dito. Medyo dim ang ilaw sa lugar na iyon at tila hindi niya ito magigising.. Agad niyang tinulungan itong makatayo ngunit tila tulog na tulog ito kaya binuhat na lamang niya ang dalaga papunta sa sasakyan niya. Sa pagkakataong iyin ay natitigan niya ang mukha nito na tila ngayon lamang siya nakakita ng babae. Naamoy niya ang pabangong ginamit nito na tila hindi nakakasawang amoy. Ipinilig niya ang kanyang ulo Mortal enemy nga pala sila nito kundi dahil sa wedding ni Rhein ay hindi niya ito ieentertain. Dahan dahan niyang binaba ang dalaga sa back seat at hindi manlamang ito natinag sa pgkakahimbing. Ganito ba ang mga babae ngayon binuhat na nang lalaki tulog na tulog pa rin o nagkukunwaring tulog! Pagmamaktol niya sa isip niya. Hindi siya makapaniwalang may babaeng ganoon. Tila nalinawan na siya sa ininom niya kanina bagama't slim ang dalaga ay may kabigatan din ito. Naghintay pa siya ng 30 minutos upang magising ang dalaga ngunit nakalipas na ang isang oras ay tulog na tulog pa rin ito. Ni ang mga kaibigan nito ay hindi niya mahagilap wala naman siyang tiwala sa mga driver for hire baka kung anong mangyare sa dalaga ay pananagutan o konsensiya pa niya. Pinaandar na niya ang makina at nagpasyang dalhin na lamang ito sa kanyang bahay 10minuts drive lang iyon mula sa kinaroroonan nila kaya napagpasyahan na lamang niyang doon ito dalhin ipapaliwanag na lamang niya sa dalaga kung bakit nasa bahay niya ito. Habang nasa biyahe sila ay biglang gumalaw ang dalaga na tila naulinigan niyang sumusuka ito sa kalasingan. "Gena okay ka lang?" tanong niya sa dalaga ngunit tila nakatulog ulit ito! At umaalingasaw na nga ang suka nito sa kotse niya! Hindi na maipinta ang mukha niya walang kahit na sino ang nagtangkang dumumi sa sasakyan niya pero itong mortal na kaaway niya ito pa ang nangahas na sumuka sa kotse niya! Hindi na makapaghintay na makauwi si Dean tila nagsisisi siyang tinulungan pa niya ang dalaga. "Kung bakit kasi nakita ko pa ito sa parking lot!" Nasa bahay na sila at dali dali niyang pinindot ang open button ng gate hightech gate iyon kaya hindi na kailangan pa ng taga bukas. Mag isa lamang siya bahay na iyon kung saan disenyo niya ang pina sadya pa nga niya ang gusaling iyon. Binili niya ang lugar na iyon para sa pansarili niya nais niyang mamuhay ng mag isa na may peace of mind habang nagtatrabaho sa company ng Granny niya bukod duon ay brand ambassador din siya. Well stablished na siya sa edad na 30 at hinahanapan na siya nang mapapangasawa ng kanyang lola naiinip na raw siyang makita ang kanyang magiging daughter in law kahit na kakakasal pa lamang ng Rhein ay tila minamadali naman siya ng kanyang lola. Bagay na ni minsan ay hindi pa niya pinangarap kontento na siya sa buhay na single at tingin niya sakit lang sa ulo ang pagkakaroon ng love life. Agad siyang nagtungo sa backseat kung saan naroon si Gena. Bumungad sa kanya ang nakapanlulumo nitong anyo kaya kahit na nandidiri ito ay binuhat niya ito papuntang sala malawak iyon kaya kahit doon na lamang niya ito linisin. OH MY GOD! paano ko gagawin iyon hahayaan ko na lamang bang naliligo ito sa sarili nitong suka? Napatitig siya sa dalaga habang nag iisip kung papaano niya ito lilinisin. Nagtungo siya sa wardrobe room at humanap ng maari nitong ipasuot sa dalaga. Kinuha niya ang isang puting polo at agad na kumuha ng maligamgam na tubig pang punas dito. Habang nagpe-prepare nang gagamitin ay napaisip siya kailangan ba talaga niya itong gawin NEVER in his life na nag alaga siya ng isang babae sa pamamahay niya pa mismo sadly lasing pa. Ano na lamang iisipin ng mga tao kapag nakita sila sa ganoong sitwasyon? kung sabagay ay lalaki siya at walang mawawala sa kanya. Binasa na niya ang towelet upang ipunas sa kay Gena tila hindi pa rin ito nagigising ganon ba ito kapag naglalasing ilang lalaki na kaya ang tumulong dito at dinala ito sa bahay nila? Hoy Dean ano bang pakialam mo aniya sa isip habang pinupunasan ang mukha nito. Kailangan nitong magising para makauwi na ito. Biglang tumagilid sa pagkakahiga si Gena dahilan upang magkaharap sila ng mukha napalunok na lamang siya at napaupo sa sahig. Amoy na amoy niya ang alak na ininom nito pero bakit hindi siya nadidiri sa amoy ng dalaga? Minabuti niyang gisingin ito para ito na mismo ang magbihis ng sarili. "Gena! Huy..magbihis ka para kakauwi kana" Bahagya pa niyang inalog ito sa balikat upang magising sa pagkakahimbing. Ilang minuto pa ay biglang tumayo si Gena at kinuha ang white polo na nasa tabi niya. Tila wala ito sa sariling nagtungo sa bathroom niya nakakapagtaka bakit parang hindi nito nakita na naroon siya. Ilang minuto ang nakalipas ay lumabas ito na suot ang bathrobe niya. Bahagya pang basa ang buhok nito na nakabalot ng towel. Pinagmamasdan lamang niya si Gena sa ikinikilos nito. Ano ito nag sleep walk.. Nahiga ulit ito sa sofa kung saan niya ito inilapag kanina at tila akmang matutulog na ulit. Kaya inalalayan na lamang niya ito sa guests room naroon lamang ito katabi ng kanyang silid. Nang makarating sa loob ng guests room ay agad itong sumalampak nang higa. Hindi niya kinaya ang kasunod na ginawa nito, tinanggal nito ang pagkakatali ng bathrobe na tila init na init. Napatalikod na lamang siya sa inasal ng dalaga. Kinuha niya ang remote ng aircon at pinaandar iyon saka niya kinumutan ang dalaga ngunit hindi niya ito magawang tapunan ng tingin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.2K
bc

POSSESIVE MINE

read
971.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

His Obsession

read
74.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook